border

border

Tuesday, January 5, 2010

To my Futuremate(Starlight Tears)

Maghihintay ako sa iyo
Abutin man ako ng ilang taon dito
Sinubukan ko na lahat ng paraan
Upang sa'yo ay mapalapit lang.

Pero parang ikaw na mismo, ang sa akin lumalayo
Minsan sa iyo'y naitanong ko pa nga
Bakit ba ganyan ang 'yong ginagawa?
Sagot mo, "dahil ako'y nahihiya".

Sa sagot mong may tatlong salita
Ako'y napaisip sa aking gunita
Ano ba ang ibig sabihin nito?
Maaari bang paki-elaborate mo?

Kahit na tayo'y magkapit-bahay lang
Ramdam ko na kay layo mo kaibigan
At kahit ako'y lumipat ng institusyon
Nananatili pa ring ganoon ang aking emosyon.

Daing ng puso ko'y mahal kita
Sana ay iyo ng makita
Pumuti man ang buhok ko
Ako'y maghihintay pa rin sa iyo...

1 comment:

  1. dont ysh wori bez....
    tym wil come na matatauhan rin yan c "LJB"
    magiging masaya rin ang iyong lovelyn..
    higit pa sa inaakala moh....
    hehehe

    ReplyDelete